Nagpulong ang matataas na opisyal mula sa defense at military establishments ng Pilipinas at China para lalong pagtibayin ang bilateral defense cooperation ng dalawang bansa.

Nakapulong ng Philippine delegation sa pamumuno ni Undersecretary for Defense Policy Ricardo A. David, Jr. si RADM Jiang Guoping, Assistant Chief of General Staff, Joint Staff Department ng Central Military Commission (CMC), at iba pang senior officials mula sa CMC sa pagpapatuloy ng Annual Defense Security Talks (ADST) ng dalawa nitong Biyernes.

Sinabi ni Defense Spokesman Arsenio Andolong na ang ADST ay bilateral dialogue mechanism ng Pilipinas at China, na itinatag sa impluwensiya ng 2004 Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation. Simula 2005, apat na ADSTs ang salitang idinaos sa dalawang bansa, at ang huli ay ginanap sa Beijing noong 2013.

Ayon kay Andolong, ang 5th ADST ngayong taon ay nagbibigay sa dalawang panig ng oportunidad na magpalitan ng mga pananaw sa kasalukuyang security situation sa rehiyon at maglatag ng mga kongkretong plano para sa pagtutulungan upang matugunan ang mga alalahanin sa seguridad na kapwa hinaharap ng Pilipinas at China. Partikular na pinagtuunan ng pag-uusap ang defense cooperation para matugunan ang non-traditional security challenges, gaya ng terorismo, violent extremism gayundin ang mga banta ng man-made at natural disasters.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“The Philippines and China also agreed to increase cooperation in the area of training and education not only to share expertise and best practices, but also foster friendly relations between both people,” ani Andolong.

“The talks also emphasized the importance of the South China Sea for the region’s economic growth and development. Along this line, both sides expressed support for the peaceful settlement of disputes thereat through lawful, non-coercive, and transparent means,” aniya. - Francis T. Wakefield