NAGDIWANG ang F2 Logistics nang tanghaling kampeon sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix. (MB photo | RIO DELUVIO)
NAGDIWANG ang F2 Logistics nang tanghaling kampeon sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix. (MB photo | RIO DELUVIO)

PINANGUNAHAN ni import Maria Jose Perez ang ratsada ng F2 Logistics tungo sa 25-20, 25-19, 20-25, 25-18 panalo kontra Petron para masubi ang Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix title nitong Sabado sa MOA Arena.

Hataw ang 6-foot-2 Venezuelan, miyembro ng koponan sa 2008 Beijing Olympics, sa naiskor na 24 puntos at tinanghal na Most Valuable Player.

Nag-ambag si Cha Cruz ng 16 puntos para sa ikalawang titulo ng F2 Logistics. Nakopo din nila ang All-Filipino Conference noong 2015.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It’s a sweet victory for us,” sambit ni coach Ramil de Jesus, patungkol sa kabiguan nila sa Petron sa All-Filipino Conference finals nitong Hulyo.

“We made some adjustments and they (Petron) failed to respond. We also made some key defensive stops that led us to this win,” aniya.

Nanguna sa Petron si Hillary Hurley, tinanghal na First Best Outside Spiker, na may 24 puntos, habang kumana si Lindsay Stalzer, inangkin ang Second Best Outside Spiker award, na may siyam na puntos.

Ang iba pang nagwagi ng individual awards ay sina Sara Klisura (Best Scorer), Mika Reyes (1st Best Middle Blocker), Majoy Baron (2nd Best Middle Blocker), Kim Fajardo (Best Setter), Jaja Santiago (Best Opposite), Kianna Dy (Best Opposite), Dawn Macandili (Best Libero) at Yuri Fukuda (2nd Best Libero).