Ipinasa ng House Committee on Public Information, sa pamumuno ni Rep. Bernadette Herrera-Dy (Partylist – BH), ang panukalang magpapalakas sa pagsubaybay, produksiyon at broadcast ng kanais-nais na mga programa para sa mga bata o child-friendly programmes.

Layunin ng House Bill 4503, na inakda ni Rep. Christopher P. De Venecia (4th District, Pangasinan), na amyendahan ang Republic Act No. 8370 o ang Children’s Television Act of 1997 -- ang tanging policy-making agency na may mandato na humikayat at magsulong ng “production and broadcast of children’s and child-friendly television programs for Filipino children.” - Bert De Guzman
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji