Direk Paul, Erich, Jericho at Jasmine
Direk Paul, Erich, Jericho at Jasmine

INSPIRED at masayang-masaya si Direk Paul Soriano na nakapasok sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula niyang Siargao na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith. 

Kuwento ni Direk Paul, nang mapili na ang unang apat na kasali sa festival ay hindi na sila umasa na mapapasama pa ang pelikula nila. Pero nang ibinalita sa kanya na kasama sa second batch ang Siargao ay sobra-sobra ang pasasalamat niya sa lahat. 

Bukod sa pagiging direktor ay isa rin si Direk Paul sa producers ng pelikula. Kaya ganoon na lang ang naramdaman niyang tuwa. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Siyempre, iba kasi kapag kasama ka sa MMFF, may manonood na agad sa pelikula mo,” sey ni Direk Paul.

Lahad pa rin ng esposo ni Toni Gonzaga, maipagmamalaki niya ang Siargao na bukod sa love story ay nagpapakita rin ng environmental awareness at tiyak makakatulong na lalong mai-promote ang turismo ng nasabing lugar na may sariling beach house si Direk Paul. 

“Sa totoo lang, punung-puno at tuluy-tuloy na dinadayo ang Siargao. Nakakatuwa nga dahil kung ilang beses na rin naman na maski ako, eh, walang bakanteng kuwarto na maaaring magamit. Kumbaga, sobrang maraming tao talaga,” sey niya. 

Sa naturang filmfest entry ay ginagampanan ni Jericho ang papel bilang si Diego, island lover at love interest ng brokenhearted video blogger na ginampanan naman ni Erich. Isa namang environmental activist ang papel ni Jasmine sa movie.

Samantala, si Direk Paul Soriano rin ang director at producer ng critically-acclaimed movie na Kid Kulafu na biopic ni Senador Manny Pacquiao na ipinalabas sa iba’t ibang international festivals sa Guam, , USA, London, Tolyo, Japan, Los Angeles, Hawaii at iba . 

Hindi rin naman malayong mangyari ito sa pelikulang Siargao, huh!