Miss Canada at Miss Malaysia
Miss Canada at Miss Malaysia

Ni ROBERT R. REQUINTINA

NAKANGITI pa rin ang mga kandidata ng Miss Universe kahit stranded sila sa Siargao Island sa Surigao del Norte dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Urduja, na tumama sa Silangang Samar nitong Sabado.

Sa pamamagitan ng Instagram, sinabi ni Miss Universe Canada Lauren Howe: “Although having three flights cancelled in Siargao due to a typhoon isn’t fun, someone recently said ‘even if things are going wrong, you can’t help but find reasons to smile here in the Philippines’ (smiles aside, I pray everyone stays safe in this weather - this photo was during a break in the storm). Trying again tomorrow friends.”

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sinabi rin ni Miss Universe Philippines Rachel Peters sa IG: “A few minutes of calm spent at @dedon_island today. We’ve been stranded on Siargao for 4 days due to the typhoon and cancelled flights... I guess there are worse places to be stuck though.”

Lahad naman ni Miss Universe Malaysia Samantha James: “So happy to be stranded on Siargao Island (due to typhoon) Whoop tee doooooo.”

Nitong nakaraang Sabado, iniulat ng ABS-CBN na umaabot sa 13,000 katao ang stranded sa iba’t ibang port sa buong mundo dahil sa masamang panahon.

Bahagi ang tatlong kandidata ng dumating sa Manila para sa kanilang apat na araw na pamamasyal sa bansa.

Ngunit nagpaiwan sina Miss Malaysia at Miss Canada dahil inimbitahan sila ni Peters na magtungo sa Siargao. Sumama rin si Miss Universe USA Kara McCullough sa kanila sa probinsya ngunit hindi ito gaanong nagtagal.

“See you later Philippines. Thank you Miss Philippines @rachelpetersx for sharing your home and coffee shop @bakesiargao on the beautiful Island of Siargao,” ani McCullough sa Instagram.

Pumunta naman ang reigning Miss Universe na si Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France sa holiday tour sa Batanes, Bohol at Camiguin Island.