NAGSALO sa pangalawang puwesto sina Filipino International Masters (IMs) Oliver Dimakiling at Haridas Pascua habang nasikwat naman ni Indian Grandmaster (GM) Venkatesh M.R. ang titulo sa katatapos na 4th Johor International Chess Open 2017 sa Johor, Malaysia nitong Sabado.

Pinagbagsak ni Venkatesh ang kababayang si IM Rathnakaran K. sa ninth at final round tungo sa 7.5 puntos mula sa anim na panalo at tatlong tabla sa Open Section.

Tinalo ni Dimakiling si Malaysian IM Yeoh Li Tian at tumabla si Pascua kay Armenian GM Karen Grigoryan samantalang nagwagi si GM Tahir Vahidov ng Uzbekistan kay IM Sammed Jaykumar Shete ng India.

Sina Dimakiling, Pascua at Vahidov ay tumapos ng three-way tie sa ika-2 puwesto na may tig-7.0 puntos.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Matapos ipatupad ang tie-break points, nakamit ni Dimakiling ang ika-2 puwesto, sumunod naman si Vahidov sa ika-3 puwesto at nalagay si Pascua sa ika-4 na puwesto.

Ang iba pang Filipino woodpushers sa chessfest ay sina IM Nouri Hamed (6.0 points), IM Emmanuel Senador (5.5 points), FM Alekhine Nouri (5.0 points), newly-minted FM John Marvin Miciano (5.0 points), IM Enrique Paciencia (4.5 points) at WNM Loreshyl Cuizon (3.0 points). - Gilbert Espeña