ATLANTA (AFP) – Nawalan ng kuryente ang Atlanta airport, ang pinakaabalang paliparan sa buong mundo, nitong Linggo na nagdulot ng pagkaantala o kanselasyon ng daan-daang flights.

“Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport sustained a power outage shortly after 1:00 pm today,” saad sa pahayag ng paliparan.

Nagpatupad ang Federal Aviation Administration ng “ground stop” sa mga biyahe patungong Atlanta, na ang ibig sabihin ay hindi sila pinaalis mula sa mga paliparang kanilang panggagalingan.

“The FAA Tower can operate normally, however, departures are delayed because airport equipment in the terminals is not working,” saad sa Twitter.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sinabi ng paliparan na “the cause of the incident remains under investigation.”

Inilista ng flightview.com, sumusubaybay sa air travel data, ang daan-daang flights na naantala o nakansela, at ipinakita sa bar graph na naantala ang mahigit 80 porsiyento ng departing flights sa airport at 80% ng arriving flights.