Ni REMY UMEREZ
KAPAG ganitong panahon ng Metro Manila Film Festival ay naglalabasan ang kanya-kanyang fearless forecast ng showbiz observers habang abala ang mga artistang kalahok sa pagpo-promote ng kani-kanilang pelikula.
Among the eight entries ay hinuhulaang papasok sa Top 3 ang Ang Panday ni Coco Martin, The Revengers ni Vice Ganda at Meant To Beh ni Vic Sotto. Taun-taon ay palaging Star Cinema at MZet Productions ang mahigpit na magkalaban sa takilya. Last year ay wagi sa box-office si Vic Sotto, hence the title, box-office king.
Let us analyze kung ano ang bagong putaheng ihahandog ng mga nabanggit na entry.
Artista at director na ay producer pa si Coco Martin ng Ang Panday. Kung paano niya hihikayatin ang millennials para pasukin ang pelikula na ilang ulit nang nagkaroon ng remake is something we are very eager to find out. Bago ang leading lady niya na si Mariel de Leon.
Samantala, sa Revengers ni Vice Ganda ay kumpleto ang rekado. May Pia Wurtzbach na, may Daniel Padilla pa. Ang director ay si Joyce Bernal na ang brand of humor ay medyo nahahawig sa estilo ng yumaong Wenn Deramas, a certified box-office megman. Nakikita sa bolang kristal na neck and neck ang magiging labanan nina Coco at Vice Ganda.
Sa pangalawang pagkakataon ay pumayag si Vic na ibang director ang mag-handle sa kanya. Ang sabi nga niya, it is time to move on. At namaalam na rin siya sa fantasy film. Ang director na si Chris Martinez ay produkto ng indie movies at hindi masang-masa ang estilo ng pagpapatawa. Just the same, tiwala si Bossing Vic na lalaban nang husto ang Meant To Beh dahil pampamilya ang pelikula nila ni Dawn Zulueta.
So there you are at ang tanong ngayon ay ito: Aling pelikula ang maliligwak sa Bottom 3?