Ni Bert de Guzman

HINDI nayayanig o natitinag ang pagtitiwala ng mga investor sa Pilipinas sa kabila ng brutal drug war ng Duterte administration. Nananatiling malakas ang investor confidence at ang macroeconomic fundamentals kaya binigyan ng international debt watcher Fitch Ratings ng upgrade ang credit rating ng Pilipinas.

Ito ang unang upgrade sa Pilipinas ng Fitch sapul noong Marso 2013, at una rin mula nang maluklok sa puwesto si Pres. Rodrigo Roa Duterte. Maganda rin ang ibinigay ng S&P Global Ratings at ng Moody’s Service Ratings sa ating bansa.

Ayon sa mga economic analyst, ang improvement o pagbuti/pag-angat mula sa minimum investment grade na “BBB minus” tungo sa “BBB”, ay maliwanag na boto ng pagtitiwala sa Duterte government sa gitna ng kanyang madugong giyera sa ilegal na droga at kriminalidad.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dahil dito, ang pag-angat o upgrade ng Pilipinas, batay sa Fitch Ratings, ay naglagay sa bansa na makapantay ang Italy at nakaungos pa sa Indonesia. Binanggit ng Fitch ang “sustained economic expansion, the tax reform plan and bold infrastructure program under the Duterte administration.” Ayon sa Malacañang, ang upgrade ng Fitch ay bunga ng kampanya ng gobyerno laban sa kurapsiyon at krimen.

Kung ang puno ng Philippine Drug Enforcement Agency ang masusunod, si Director General Aaron Aquino, dapat nang alisin o buwagin ng Philippine National Police ang slogans na “Oplan Tokhang” at “Oplan Double Barrel” kaugnay ng drug war campaign ni PRRD. Nagbibigay lang umano ng negatibong imahe ang mga ito sa PNP sapagkat para sa taumbayan, nangangahulugan ito ng mga pagpatay sa ordinaryong pushers at users ngunit wala namang naitutumbang drug lords at shabu smugglers/suppliers.

Isa pala sa dahilan ni PDU30 kung bakit hinihiling niya ang isa pang taong extension ng martial law sa Mindanao ay para puksain ang New People’s Army na patuloy sa pananalakay, pagtambang at pagpatay sa mga pulis, kawal, at sibilyan.

Sa NDF website, sinabi ni Jose Maria Sison o Joma na ang gobyerno ni PRRD ay isang “fascist regime” bagamat bukas pa rin sila sa usapang-pangkapayapaan. Ano ba ito?