Ni Gilbert Espeña

PINANGUNAHAN nina International Masters Emmanuel Senador at Hamed Nouri at Fide Masters Ian Cris Udani at Alekhine Nouri ang Philippine chess team tungo sa pagkopo ng championship ng Wah Seong Penang Chess League 2017 na ginanap nitong Disyembre 9 at 10, 2017 sa Red Rock Hotel sa Penang, Malaysia.

Ang Philippine chess team na binansagang Pacquiao Chess Amigos na suportado nina Sen. Manny Pacquiao at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Vice-President Cliburn Anthony Orbe, ay nakaungos sa H3N Vietnam chess team, 2.5-1.5, sa eight at final round para matangap ang top prize na 2,500 Malaysian Ringgit at tumapos ng 15.0 match points tungo sa coveted crown.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakihati ng puntos si Senador kontra kay GM elect Haridas Pascua, isang Filipino, sa kanilang top board encounter, pinayuko ni Hamed si Thanh Ninh Vo sa Board 2 habang angat si Udani kay Chan Hung Lu sa Board 3 tungo sa tagumpay.

Natamo ng Vietnam squad ang nag-iisang panalo mula kay Minh Hieu Pham winner na nakaligtas kay Alekhine sa Board 4.

Nakopo ni Senador ang gold medal sa Board 1 na undefeated sa eight games of play na may seven wins at draw tungo sa total 7.5 points. Habang si Hamed naman ay kinuha ang individual bronze sa Board 2 na may six wins, one loss at one draw tungo sa total output 6.5 points.

Nakamit naman ni Udani ang 7.0 points mula sa six wins at two draws habang si Alekhine ay may 5.0 points tungo sa four wins, two losses at two draws.

Nanalo ang Philippine chess team sa Lol Again, 3.5-.5, sa Round 1, CLOBA Teacher & Students, 4-0, sa Round 2, Kings of the Hill, 3.5-.5, sa Round 3, tabla sa Phoviet, 2-2, sa Round 4, tinalo ang Kinabalu Kings, 3.5-.5, sa Round 5, Snoopy & Co., 3.5-.5, sa Round 6, Team Secret, 3.5-.5, sa Round 7 bago makaungo sa H3N Vietnam chess team, 2.5-1.5, sa eight at final round.