Ni Nitz Miralles

HINDI namin matiyempuhan si Meg Imperial sa taping ng Super Ma’am dahil tuwing dumadalaw kami sa set, wala siya dahil nasa kabilang location siya.

MEG AT JM copy copy

Hindi tuloy namin siya matanong tungkol sa isyung may something beautiful na namamagitan sa kanila ni JM de Guzman.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

As in, si Meg daw ang special someone ni JM and vice versa.

Positive ang karamihan sa comments na nababasa namin sa posibilidad na sina JM at Meg na nga. Pinupuri ng netizens si Meg dahil nasa tabi raw siya ni JM noong down ang nagbabalik sa showbiz na aktor at hindi niya ito iniwan.

Ang problema lang, hindi matanong si Meg kaya hindi makumpirma ang tungkol sa kanila ni JM.

Titser ang role na kasama sa school ni Marian Rivera ang ginagampanan ni Meg sa Super Ma’am, ‘yun nga lang, hindi siya matiyempuahan ng mga reporter na bumibisita sa taping ng action/fantasy series ng GMA-7.