Ni NITZ MIRALLES

DAHIL hindi nag-a-update si Direk Laurice Guillen ng Instagram (IG) account niya, sa IG ng anak niyang si Ina Feleo kami nakibalita sa pagtanggap niya ng parangal na Patron of the Arts for 2017.

H.E. LUIS TAGLE AT DIREK LAURICE copy

Maganda rin ang nagpa-thank you para sa mom niya dahil nang matanong namin si Direk Laurice tungkol sa tinanggap na award, “Wow!” lang ang nasabi.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Extremely proud of mommy for being awarded this year’s Patron of the Arts. The citation: ‘For her contributions to and unwavering support of Philippine Cinema, for her commitment to excellence in her field, and for her courage in telling stories of faith.’ It does take courage to tell stories about faith! There is nothing that could make me any prouder than to see how much significant work my mother has done and continues to do. I see her work so hard everyday and it thrills me to see her rewarded this way. Thank you!”

Sa ipinost na photos ni Ina, si Archbishop Luis Tagle ang nag-abot ng awards at bouquet of flowers kay Direk Laurice. Ginanap ang awarding nitong December 12 sa Meralco Theater.

Samantala, ang alam ni Direk Laurice, hanggang February 2018 pa ang idinidirihe niyang number daytime program na Ika-6 Na Utos dahil ipina-block sa kanya ng GMA-7 ang kanyang schedule.

“Supposedly, magtatapos kami this December, pero na-extend kami hanggang January 2018. Ang latest, pina-block na rin ang February 2018, let’s see kung ma-extend uli kami. May mga nagsasabing, tapusin na ito, paano kung mataas pa rin ang rating? Nakikita namin sa rating na mas mataas ang Satuday episode. Kaya, tingnan na lang natin,” wika ni Direk.

Para sa Christmas break, hanggang December 18 na lang ang taping ng Ika-6 Na Utos at sa January 2018 na sila magre-resume. Kanya-kanya nang plano ang cast kung saan-saan sila magbabakasyon at siguradong may plano rin si Direk Laurice kung ano ang gagawin sa two weeks na wala siyang taping.