TEGUCIGALPA (AP)— Nasawi ang kapatid na babae ni Honduran President Juan Orlando Hernandez sa helicopter crash, kasama ang lima pang katao.
Sakay ng aircraft si Hilda Hernandez, 51-anyos, kasama ang apat nitong security detail at ang piloto mula sa Tegucigalpa international airport nitong Sabado ng umaga. Patungo ito sa kanyang bahay sa Comayagua, may 60 km ang layo mula sa kabisera.
Makalipas ang ilang sandali, iniulat ng air force na nawawala ang helicopter. Kalaunan ay natagpuan ang mga pira-pirasong bahagi nito sa kabundukan. Walang nakitang buhay.