Ni Rommel P. Tabbad

Nasa balag na alanganin ngayon si dating Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur Mayor Diarangan Dipatuan at ang treasurer na si Rasad Dumarpa matapos silang kasuhan sa Sandiganbayan dahil sa hindi tamang pagre-remit ng kontribusyon sa Government Service Insurance System (GSIS) noong 2012.

Kinasuhan sina Dipatuan at Dumarpa ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at 12 bilang ng paglabag sa Section 6(b) ng GSIS Act (RA 8291).

Nakasaad sa complaint affidavit ni Habib Tarosan na nagtungo siya sa tanggapan ng GSIS sa Iligan City upang kumuha ng kopya ng kanyang kontribusyon noong Disyembre 2015.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, natuklasan umano niyang underremitted ang kanyang kontribusyon, dahil idineklara nina Dipatuan at Dumarpa na aabot lamang sa P14,179 ang buwanang sahod ni Tarosan, mas mababa sa aktuwal na suweldo niyang P20,367 kada buwan.

Ito ay nagresulta sa mababang monthly premium contributions ni Tarosan.

“As a result, the monthly premium computed was lower because of the incorrect salary factor. This only proves that there was a failure, refusal, or delay in the payment, turnover, remittance or delivery of the correct premium contributions to the GSIS using the formula provided in the GSIS Act,” ayon sa Office of the Ombudsman.

Sinabi naman ng Ombudsman na may pananagutan ang dalawang opisyal sa usapin.