Ni Gilbert Espeña

MAGTATANGKA si world ranked Mark Anthony Geraldo ng Pilipinas na agawin ang korona ni WBC Silver bantamweight champion Nordine Oubaali sa kanilang sagupaan ngayon sa La Seine Musicale, Boulogne-Billiancourt, Hauts-de-Seine, France.

May perpektong rekord si Oubaali na 12 panalo, 9 sa pamamagitan ng knockouts, at kabilang sa mga tinalo niya sina dating WBO flyweight titlist Julio Cesar Miranda at interim WBO bantamweight ruler Alejandro Hernandez kapwa ng Mexico sa mga sagupaan sa France.

Ngunit tiyak na kakasa si Geraldo, kasalukuyang WBO Oriental bantamweight titlist, lalo’t gusto niyang muling magkaroon ng world title crack.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord si Geraldo na 34-7-3 na may 15 panalo sa knockouts at kasalukuyang No. 13 sa WBO rankings kumpara kay Oubaali na No. 7 sa talaan ng WBC.