Ni NORA CALDERON

THANKFUL si Zoren Legaspi na ang inakala niyang special guesting lang sa Ika-6 Na Utos hahaba pala. Hindi pa kasi matatapos ang involvement ng character niya bilang si Lyon kay Emma (Sunshine Dizon). Biyudo si Lyon na na-in love kay Emma.

CASY ZOPREN CARMINA AT MAVY copy

When asked kung hanggang kailan siya mapapanood sa soap na idinidirehe ni Laurice Guillen, wala pa raw sinasabi sa kanya.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“Maganda nga, kasi hindi naman ako kontrabida kina Emma at Rome (Gabby Concepcion),” sabi ni Zoren. “Kung noong una ay nagagalit ako kay Emma dahil mas inuuna pa niya ang paghahanap niya kay Rome kahit boyfriend na niya ako, ngayong lumiwanag na ang totoo tungkol kay Rome, naging friends pa rin sila ni Emma at handa siyang tumulong kung ano ang kailangan ni Emma para matuklasan na ni Rome ang tunay niyang pagkatao.”

Bukod sa pag-arte ay may business na inaasikaso si Zoren plus ang photo shoots at TV commercials shoots ng endorsements nilang mag-anak.

“Kaya since matatapos na ang taping namin ng Ika-6 Na Utos for 2017, nag-decide naman kaming sa Japan pumunta, si Carmina (Villaroel) at sina Mavvy at Cassy. Iyon nga lang, hanggang sa December 23 lang kami roon. Babalik kami rito para sa Christmas Day kasama namin ang daddy niya. Matagal na rin naman iyong eight days na naroon kami sa Tokyo.

Kaya nandito kami sa Christmas at New Year.”

Napapanood ang Ika-6 Na Utos Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 pagkatapos ng Eat Bulaga.