Ni Mina Navarro

Inaatasan ang mga employer sa Region 6 (Western Visayas) na ibigay ang minimum na P3,500 buwanang sahod sa kanilang mga kasambahay.

Itinakda ng Regional Wages and Productivity Board ang bagong minimum wage order sa Western Visayas para sa mga kasambahay, na nagkabisa noong Disyembre 8, 2017.

Ang Wage Order No. RBVI-DW 02, na pinamagatang Prescribing New Minimum Wage Rates for Domestic Workers in Region VI-Western Visayas, ay nagtatakda ng P3,500 buwanang sahod sa lahat ng kasambahay sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ito ang ikalawang wage order na inisyu ng board para sa mga kasambahay sa Western Visayas.

Hindi sakop ng naunang Wage Order No. RBVI-DW 01 noong Pebrero 18, 2016 ang Negros Occidental, dahil ito ay dating bahagi ng Negros Island Region, na binuwag kamakailan.