Ni PNA

NANAWAGAN sa publiko ang Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), sa harap ng kontrobersiya sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia, na ibalik ang mga pangunahing estratehiya kung paano maiiwasan ang mga sakit na galing sa lamok.

“With all these issues, let us not forget the measures we do—surveillance, vector control, early consultation,” lahad ni PSMID Board Member, Dr. Fatima Gimenez, sa health forum sa Quezon City nitong Martes.

Tinutukoy ni Gimenez ang mga estratehiyang isinusulong ng Department of Health (DoH)—ang pagtukoy at pagpuksa sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok, maagang konsultasyon, pagbibigay ng proteksiyon sa sarili, at pagtanggi sa indiscriminate fogging.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Vaccine is just part of it. It is not the only solution to dengue,” aniya.

Pinayuhan ni Gimenez ang mga magulang na nababahala dahil sa kanilang mga anak na naturukan ng Dengvaxia na magpakonsulta kaagad sa doktor sakaling nagpakita ng sintomas ng sakit ang mga bata.

Batay sa kanyang sariling karanasan bilang isang clinician, aniya, ang huling pagkonsulta ng medikasyon ay kadalasang nagreresulta sa mas mahirap na paggamot sa sakit.

“Early consultation saves lives. If you feel any symptom, go to the doctor immediately. You have nothing to lose,” lahad niya, at sinabing ang tsansa ng paggaling mula sa malalang dengue ay mataas, kaya dapat na maagang magpakonsulta sa doktor.

Idinagdag pa ni Gimenez ang importansiya ng pagpapanatili ng malinis nag kapaligiran na hindi pinamumugaran ng lamok, upang mapigilan ang pagdami ng mga lamok.

Ang paggamit ng insect repellant ay isang siguradong paraan upang maitaboy ang mga lamok, dagdag pa niya.

Nag-isyu ang PSMID ng panawagan kaugnay ng pagkabalisa ng publiko kasunod ng rebelasyon na hindi inirerekomenda ang pagtuturok ng Dengvaxia sa mga taong hindi pa nagkasakit ng dengue, dahil mas mapapalala lamang ng bakuna ang posibilidad ng pagkakaroon ng malalang dengue.

Nakarating na ang kontrobersiya sa Senado, na dinidinig na ng mga kasalukuyan at dating kalihim ng DoH, kasama ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur, ang lumikha ng Dengvaxia.

“There is no simple solution to preventing dengue. Thus, to have a sustainable dengue control program, appropriate clinical management, laboratory surveillance and prevention efforts, such as expansion of disease surveillance to include the communities and the private sector, vector control, and strengthening of epidemic response at all levels should always be emphasized,” sabi ni Gimenez.