Ni Light A. Nolasco

BONGABON, Nueva Ecija - Arestado ang isang miyembro umano ng kilabot na ‘Peralta Gang’ makaraang salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) Nueva Ecija ang bahay nito sa Barangay Santor, Bongabon, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga.

Nasakote si Randy Medina, 35, residente ng nasabing lugar, sa bisa ng search warrant para sa illegal possession of firearms.

Nakasamsam ang CIDG mula sa suspek ng isang .40 caliber pistol, 94 bala nito, dalawang magazine, isang .380 caliber Beretta pistol, at anim na bala at magazine.

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga

Ayon sa pulisya, miyembro si Medina ng “Peralta Gang” na sangkot umano sa serye ng gun-for-hire, robbery/hold-up, gun-running, at iba pang krimen na sinusubaybayan ng CIDG.

Kumikilos ang nasabing grupo sa Nueva Ecija at karatig-probinsiya, at target umano ang mga prominenteng negosyante.