Coco at ang cast ng 'Ang Panday'_CHRISTMAS SPECIAL copy

Ni REGGEE BONOAN

NGAYONG gabi mapapanood ang unang bahagi ng ABS-CBN Christmas Special na taun-taong ginaganap sa Smart Araneta bilang pasasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik ng kanilang mga programa.

Nakabibingi ang mga hiyawan at sigawan bukod pa sa pabonggahan ng electronic placards ng fans tulad ng Kathryn (Bernardo), KathNiel, JoshLia, MCLisse, BoybandPH, LizQuen, Liza (Soberano), JaDine, ElNella, Enrique (Gil), Sofia (Andres), MayMay, MarNigo, Angeliners, Sarah Geronimo, Matteo (Guidicelli), KimXian, Arjo (Atayde), Shaina (Magdayao), CocoLitz, CocoJul Bukayo at CocoYassi.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kanya-kanyang paandar ang bawat grupo ng mga supporter lalo na ang placard ni Kathryn na akala mo ay may dalang sariling generator sa sobrang lakas ng ilaw na patay-sindi kaya kitang-kita sila maging sa malayo.

Sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Zsa Zsa Padilla, Jona, Kyla at Martin Nievera ang opening ng programa na nagsiawit ng Dingdong, Dingdong at Wonderful Time of the Year.

Sumunod nina Ylona Garcia, Loisa Andalio, Andrea Brillantes, Jed Madela, Darren Espanto, Iñigo Pascual (na pinakamalakas ang hiyawan), Richard Poon, Nyoy Volante Boyband PH, Jake Zyrus, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Sarah Geronimo at Sharon Cuneta.

Sa loob pa lang ng Big Dome, nasagap na namin ang tsika na may mga nakapansing hindi raw pinansin ni Sharon si Sarah habang nasa entablado sila. Hmmm, may isyu ba sila?

Sina Yeng Constantino, Erik Santos, Angeline Quinto, Froilan, Eumee, Noven, Mori, Daryl, Jason, Klarisse at Mitoy naman ang kasunod nila.

Ang nagguguwapuhang leading men ng ABS-CBN na sina Richard Gutierez, Richard Yap, Jake Cuenca, Joem Bascon, Carlo Aquino, JC de Vera, Aaron Villaflor, RK Bagatsing, Ejay Falcon, Arjo Atayde, JC Santos, Vin Abrenica, Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, Daniel Matsunaga, Enchong Dee, Aljur Abrenica, MCcoy de Leon, Edward Barber, Ronnie Alonte, Enzo Pineda, Elmo Magalona, Diego Loyzaga, Gerald Anderson, Xian Lim, Sam Milby, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Joshua Garcia, Enrique Gil, James Reid, Daniel Padilla, Jericho Rosales at Piolo Pascual ay ay kumanta naman ng Air Supply medley.

Nagsolo ng Two Less Lonely People in the World si Empoy na hiniyawan nang husto ng mga tao. Kasi nga naman, siya ang may hawak ng pinakamalaking box office record ng indie film na Kita Kita kasama si Alessandra de Rossi.

Nagsilbing hosts sina Boy Abunda, Jodi Sta. Maria, at Iza Calzado.

Nagpakitang-gilas din sa production number ang cast ng Ang Panday sa pangunguna ni Coco Martin kasama sina Awra, Mclisse, Mariel de Leon, Kylie Versoza, mga miron, rappers at Ricky Boy.

Nakakamangha ang supporters ni Coco na pagbuka pa lang ng bibig para kumanta ay dumadagundong na palakpakan, hiwayan at padyakan ng mga tao.

Isa si Coco sa money-makers ng ABS-CBN at naniniwala ang fans niya na Ang Panday ang makakakuha ng unang puwesto sa 2017 Metro Manila Film Festival.

At kung may leading men, siyempre hindi naman mawawala ang mga naggagandahang leading ladies ng Kapamilya Network tulad nina Nadine Lustre, Yassi Pressman, Ritz Azul, Cristine Reyes, Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, Sofia Andres, Sue Ramirez, Janella Salvador, Julia Barretto, Bea Alonzo, Coleen Garcia, Arci Munoz, Erich Gonzales. Nag-showdown naman sa pagsayaw sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Huling lumabas naman sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano, na ang ibig sabihin ay sila ang hottest leading ladies ng ABS-CBN ngayon.

Nang lumabas na si Vice Ganda ay hindi na kami magkarinigan ng aming mga kausap sa sobra ring lakas ng sigawan sa buong Araneta at tawanan ang lahat nang magpasalamat siya sa gabi ng concert at sa wonderful front act niya sabay sabi ng, “charot.”

Masasabing si Vice pa rin ang pinakamalaking artista ng ABS-CBN at Star Cinema in terms of box-office record at TV dahil parehong rater ang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.

Sumunod na nagtanghal ang Showtime family sa pangunguna nina Jhong Hilario at Ryan Bang na sumayaw ng Macarena kasama ang Hashtags at si Karylle with Girltrends.

Hindi naman nagpakabog sa Ice Ice Baby production number sina Billy Crawford at Vhong Navarro kasama ang Legit Dancers.

Si Anne Curtis ang huling tinawag sa grupo na bigay na bigay sa matataas na nota ng kanyang awitin kaya talagang nagtawanan sabay palakpakan ang tao sa pinanindigan na niyang pagiging singer niya.

Magdadalawang oras na ang ABS-CBN Christmas Special pero marami pa ring pasabog sina Vice sa kanyang Ms Q and A contest na talagang bentang-benta sa lahat ng taong nasa venue.

Grabe, napakarami na ng mga artista ng Kapamilya Network kaya tig-iisang production number lang ‘yung iba at partida pang hindi nakadalo sina Jerome Ponce, Nash Aguas at iba pa dahil may taping ng The Good Son.

Punumpuno ang buong entablado ng Araneta Coliseum kaya halos hindi na makita ‘yung iba.