Ni Chito Chavez, Rommel Tabbad, at Beth Camia

Inihayag kahapon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical and Services Administration (PAGASA) na nananatili ang Signal No. 2 sa apat na lugar, habang Signal No. 1 naman sa 14 pang lalawigan sa bansa.

Kinumpirma kahapon ng PAGASA na nasa Signal No. 2 ang Eastern Samar, Northern Samar, Samar, at Biliran dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong ‘Urduja’.

Itinaas naman ang Signal No. 1 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, kabilang ang Burias at Ticao Islands, Romblon, Leyte, Southern Leyte, hilagang Cebu kabilang ang Bantayan Island, Northern Bohol, Capiz, Aklan, Northern Iloilo, at Dinagat Islands.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi rin ng PAGASA na bahagyang lumakas ang Urduja kahapon ng madaling araw habang mabagal na tinutumbok ang silangang baybayin ng Samar Island.

“Urduja packed maximum sustained winds of 75 kilometers per hour (kph) near the center and gustiness of up to 90 kph.

It moved northwest at 5 kph. The storm was last spotted 205 kilometers east of Borongan City, Eastern Samar. It is expected to make landfall Saturday morning or afternoon over Northern Samar-Eastern Samar,” saad sa weather bulletin ng PAGASA.

Kaugnay nito, naantala ang biyahe ng libu-libong pasahero sa mga pantalan sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 7,500 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Western Visayas, Bicol, at Manila North Harbor.

Pinakamaraming naitalang stranded sa Bicol Region, na aabot sa 3,534 na pasahero, 2,756 ang stranded sa Manila North Harbor, 910 sa mga pantalan sa Eastern Visayas, at 280 sa Western Visayas.