Ni NITZ MIRALLES

INTRODUCING sa indie film na Sikreto Sa Dilim ang child actor na si Ralph Maverick Roxas bilang ang ulilang si Angelo na maraming masakit na pinagdaanan na dala-dala hanggang paglaki. May malaking twist ang karakter ni Angelo na mahusay na nagampanan ni Ralph at itinuloy ni Akihiro Blanco bilang older Angelo.

RALPH ROXAS copy

Sa direction ito ni Mike Magat na gumaganap din sa pelikula bilang adoptive dad ni Angelo at siya ring writer at director ng pelikula. Kasama rin sa cast sina Lovely Rivero, Dianne Medina, Kikay Mikau at Ricardo Cepeda.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Suspense-drama ang Sikreto Sa Dilim na nanalong Independent Achievement Award in the International Film Festival Manhattan 2017 held in New York City. Produced ito ng RM8 Entertainment Productions at Sonza Entertainment Productions.

Bata pa, gusto na ng 12-year-old na si Ralph na maging artista at sundan ang idolo niyang sina Dingdong Dantes, Gerald Anderson at nadagdag si Akihiro. Nakita ng parents niyang sina Mr. Ramon Roxas at Myra Roxas na seryoso sa pag-arte at may acting talent ang anak nila nila, kaya sinuportahan nila ito.

“Gusto kong umarte at sa support and guidance of my parents, natupad ang dream ko. Nag-enjoy ako sa shooting and they were teasing me because I don’t want to go home kahit wala na akong eksena,” kuwento ni Ralph na inglisero bilang Grade 7 student sa Ateneo de Manila University.

Bukod sa mga magulang, inspiration din ni Ralph ang kanyang Ate Sophia Nicole na special child at kahit 17 years old na, hindi nakakapagsalita at makalakad at dependent sa parents niya pati sa pagkain.

“She really motivates me to do my best sa showbis man o sa pagiging lawyer na isa rin sa gusto kong maging,” pagtatapos ni Ralph.