Ni LITO T. MAÑAGO

HINDI pa rin makapaniwala si Paulo Avelino na napunta sa kanya ang coveted role na Tony Javier sa Ang Larawan, movie adaptation sa musical play na may ganito ring pamagat at ipinalabas sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP) nu’ng 1997 na hinalaw naman sa play na sinulat ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.

JOANNA PAULO AT RACHEL copy

Sa napanood naming musical play sa CCP, gumanap bilang Paula si Zsa Zsa Padilla and now plays as Elsa Montes sa movie version while Celeste Legaspi played Candida at ngayon ay gumaganap na bilang Doña Loleng, samantalang si Ricky Davao naman ang gumaganap bilang Tony Javier sa stage version nito.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Hindi ikinaila ni Paulo na sumailalim siya sa audition para sa role. Gusto kasing gumanap ni Paulo sa isang musical film na natupad nang pumasa siya sa panel ng auditioner na binubuo nina Direk Loy Arcenas, Girlie Rodis (producer), Celeste, Alemberg Ang (supervising producer) at Ryan Cayabyab (musical director).

“Nag-audition ako more than two years ago,” pagtatapat ni Paulo. “Medyo kinabahan ako kasi ‘yung... mga operatic ‘yung mga kinakanta nila, ‘yung mga musical play pieces talaga.

Nagkaroon ng interes si Paulo sa karakter ni Tony Javier kaya ni-research niya ito.

“I researched about the play, about Ang Larawan, ‘yung Portrait of a Filipino As An Artist by Nick Juaquin, ‘yun, doon ako nagkaroon ng interes.”

Walang idea si Paulo kung bakit siya ang napili.

“Actually, hindi ko rin alam, eh, pero tulad nga ng sabi ni Direk Loy, naghahanap daw siya ng puso... As in, nu’ng nag-audition ako, gusgusin na talaga ako.”

Aware ang binatang ama na limitado ang budget ng indie films at kung pagbabasehan ang kanyang talent fee bilang actor, hindi ito kakayanin ng mga producer.

“Parang ‘yun nga kasi first musical ko na we all know na it’s independently produced, so parang hindi ko na rin iniisip ‘yung talent fee. At ang daming taong gustong makapasok sa pelikulang ito.”

Pinagbibidahan din nina Joanna Ampil at Rachel Alejandro ang Ang Larawan na ipapalabas sa December 25 bilang isa sa official entries sa 43rd Metro Manila Film Festival.

Ang pelikulang ito ay passion project ng Culturtain Musicat Productions. Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Bukod kina Joanna, Rachel, Paulo, Zsa Zsa at Celeste, bahagi rin ng musical ensemble cast sina Sandino Martin, Cris Villonco, Aicelle Santos, Nonie Buencamino, Menchu Lauchengco, Rayver Cruz, Ogie Alcasid, Jojit Lorenzo, Dulce, Nanette Inventor, Jaime Fabregas, Bernardo Bernardo, Noel Trinidad, Leo Rialp at Robert Arevalo.