Ni ANNIE ABAD

KAILANGAN ang maagang paghahanda ng Gilas Pilipinas para masiguro ang pagiging kompetitibo sa 2023 FIBA World Cup.

Ito ang iginiit ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan bilang prioridad sa paghahanda ng bansa sa hosting ng pinakamalaking basketball tournament sa mundo.

“We have to start training our players now,” pahayag ni Pangilinan sa panayam kahapon sa isinagawang Thanksgiving para sa tagumpay ng bansa sa kampanya sa World Cup 2023.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The players who are likely to compose the 2023 team are not the Jayson Castros, the current players you’re seeing,” pahayag ni Pangilinan. “I think the players must be probably between 26 and 32. So people like Pogoy, Kiefer, Thirdy Ravena, Ricci Rivero ‘yan ang focus natin.”

“These are the guys, the future players who will constitute the team,” pahayag ni Pangilinan.

Hiniling ni Pangilinan sa Gilas Pilipinas coaching staff na agarin ang paghahanda at isailalim sa pagsasanay ang mga posibleng players na isasabak sa torneo.

Kamakailan, ipinahayag ng FIBA Central Board matapos ang pagpupulong sa headquarters nito sa Switzerland ang pagbibigay ng karapatan sa hosting ng 2023 World Cup sa Pilipinas, Japan at Indonesia.

Tinalo ng tinaguriang ‘consortium’ ang iba pang mga finalist sa hosting.

Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang torneo sa tatlong bansa, ngunit ang championship ay siguradong ilalarga sa Pilipinas.