Ni Mary Ann Santiago

Daan-daang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ang napilitang bumaba mula sa sinasakyan nilang tren matapos itong dumanas ng electrical failure sa bahagi ng Quezon City, kahapon ng umaga.

Base sa abiso ng MRT-3, nagkaroon ng technical problem ang isang southbound train sa GMA Kamuning Station, bandang 8:18 ng umaga.

Ang naturang technical problem ay dulot umano ng electrical failure sa motor ng tren.

Eleksyon

Comelec: Mahigit 900K botante rehistrado na para sa BSKE 2026

Dahil dito, napilitan ang mga MRT-3 personnel na pababain ng tren ang mga pasahero at pinag-abang na lamang ng susunod na tren.