Ni Reggee Bonoan

MUKHANG mainit talaga ang labanang Coco Martin at Vice Ganda ngayong 2017 Metro Manila Film Festival simula sa Disyembre 25 dahil kahit saan kami magpunta, pelikula nila ang pinag-uusapan.

COCO copy copy

Narinig namin sa Korean restaurant sa Timog, Quezon City na kinainan namin noong isang linggo na pinag-uusapan ng mga Chinese na Gen-Xers na gusto raw nilang mapanood ang Gandarrappiddo The Revenger Squad at ang Haunted Forest.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Pelikula nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla at nina Jane Oineza, Jon Lucas, Loisa Andalio at Jameson Blake ang binabanggit nila.

Sa isang fastfood chain sa Tomas Morato kamakailan, pawang millennials naman ang nag-uusap at solid na panonoorin daw nila si Coco Martin sa Ang Panday.

Gusto rin naming ibahagi, Bossing DMB na bayani pala ang tingin ng anak ng isang kaibigan namin kay Coco.

“Tinuturuan ko ng assignment ang anak ko, tinanong ko kung sino ang National Hero ng Pilipinas, sukat bang isagot, Coco Martin, dahil yata sa Probinsyano. Napakamot na lang ako ng ulo,” nailing na kuwento sa amin.

Isa pang anak ng kaibigan namin na kung tawagin namin ay Pogi, dahil pogi naman talaga, ang idol daw niya ay, “si Choko Martin.”

Kaya sure nang Ang Panday ni Coco ng panonoorin ng mga bata pagsapit ng filmfest sa Pasko.

Ang mga batang babae ay pelikula naman ni Vice ang panonoorin, “The Revenger po, kasi gusto namin si GGV.”

Heto na ang nakakabaliw, Bossing DMB, katsikahan namin ang sikat na artista at nalaman namin na may pustahan silang P100,000 ng asawa niya.

“Pustahan kami ng asawa ko, sabi ko Ang Panday ang number one. Siya naman si Vice raw ang number one, kaya pustahan kami ng one hundred thousand,” kaswal na kuwento sa amin.

Seryoso ang pustahan nilang mag-asawa?

“Oo naman. Hindi naman kami naglolokohan.”

Napa-wow na lang kami dahil parang isang libo lang sa mag-asawa ang isandaang libong piso, palibhasa parehong sikat at malaki ang kita. Sinadya naming limitado lang ang clue para walang isyu.

In fairness, sa kinainan naming restaurant sa Gateway Mall na may nakatabi kaming mga estudyante ay All of You nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado ang type panoorin bago ang Siargao nina Jericho Rosales at Erich Gonzales at Haunted Forest ng Regal Films.

So, batay sa aming informal survey, neck-to-neck talaga sa number one slot ang Panday at Revenger Squad at mukhang number three ang Haunted Forest, at maglalaban sa number 4 and 5 ang All of You at Siargao.

Kung ano ang number 6, 7 at 8 ay abangan na lang natin simula sa Disyembre 25.