Ni ERNEST HERNANDEZ

NASA kabilang pahina ng kasaysayan ang naging kampanya ng University of Santo Tomas Growling Tigers sa nakalipas na UAAP Season 80. Hindi maikakaila na ang kahihiyan ang siyang dahilan sa pagkakasibak ni Boy Sablan bilang head coach ng Tigers.

Iba’t ibang isyu, magkakaibang senaryo ang sumunod matapos ang nakadidismayang marka ng UST (1-13). Ngunit, higit sa lahat ang usapan na magbabalik sa Espana, Manila si Ginebra Governor Al Francis Chua para gabayan ang Tigers – hindi bilang coach bagkus isang team manager.

Hindi inamin, ngunit hindi rin itinanggi ni Chua ang isyu, subalit iginiit niyang wala pang pormal na usapan hingil dito.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, seryoso siya na tulungan ang kanyng alumni school na makabalik sa tugatog ng tagumpay at maka-atungal

“I am willing to help,” sambit ni Chua. “Kahit ano, kung ano maitutulong natin para maibalik lang yung “Go Uste”.

Wala nang sumisigaw ng “Go Uste”… “Go home” na meron,” pabirong pahayag ni Chua.

Tunay na malapit sa puso ni Chua ang UST dahil nagsilbi siya rito bilang atleta at coach sa mahabang panahon.

Aniya, sugat sa dangal ang kaganapan sa kampanya ng Tigers sa men’s basketball sa nakalipas na mga season. At hindi niya masisisi ang hinampo ng mg estudyante at alumni.

Bilang kapalit ni Sablan, ilan sa lumulutang ang pangalan nina dating UST star at Ginebra coach Pido Jarencio, alumni Bonnie Tan, PBA legend Bal David at DLSU head coach Aldin Ayo.

Sa kabila nito, nanatiling tikom ang bibig ng UST management hingil sa isyu. Ayon kay Chua, kailangan ang agarang desisyon ng management para maisaayos at sitwasyon at maplantsa ang anumang gusot.

“Gusto ko lang makakita ng plan. As of now, we are blinded. We don’t know,” sambit ni Chua.

“Kailangan umpisahan na nila ngayon. They have to start it right now,” abiya. “Actually, after ng UAAP, dapat nag-start na sila. Hindi na biro iyon.”

“Dati panahon namin, yung P.E. – nood kayo ng game kasi excused sa P.E. Tapos ngayon, excused sa P.E. ayaw pa rin manood eh,” pahayag ni Chua.

Mabigat ang responsibilidad ni Chua sa PBA Board Governor bilang kinatawan ng Ginebra San Miguel.Ngunit, hindi siya mag-aatubili sakaling iaalok ang anumang posisyon para sa UST.

“You know, like my boss, if I am going to talk to him to help my Alma Mater, he will help for sure. Mabait naman yung boss ko. Basta sa sports, lahat iyan tinutulungan. Napakabilis naman tumulong. “

Hiniling din ni Chua ang tulong – moral at spiritual – para sa mga alumni,

“Sana naman maayos natin kaagad. Sa lahat ng bumubuo sa UST, marami mga naging coach diyan na UST players na nasa PBA. Marami sa organization ng PBA… magtulong-tulong tayo para ma-achieve natin kung saan tayo papunta.”

“Tayong mga Uste, hindi lang po ako, lahat ng alumni ng UST, lahat ng naglaro po diyan, yung may mga negosyo – matulong, tulong po tayo para mai-angat natin ang UST ulit,” aniya.