Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Makatatanggap ng karagdagang P5,000 bonus ang mga empleyado ng Batangas City dahil sa magkakasunod na karangalang natanggap ng lungsod kamakailan.

Ayon kay Atty. Victor Reginald Dimacuha, secretary to the mayor, bukod sa P15,000 na Christmas bonus, inaprubahan kamakailan na madagdagan pa ang bonus ng mga empleyado.

Nakuha ng Batangas City ang ikalawang puwesto sa Best City Disaster Risk Reduction and Management Council in the Independent Component City Category sa 19th Gawad Kalasag National Awards ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napili rin na Best in Local Governance at Best City Mayor si Beverley Rose Dimacuha sa buong lalawigan, na iginawad kasabay ng selebrasyon ng 436th founding anniversary ng probinsiya nitong Disyembre 8.

Kinilala rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lunsod bilang isa sa Top 10 model sa pagsusulong ng Public-Private Partnership (PPP) mula sa implementasyon ng Multi-Purpose Transport Terminal and Commercial Complex.