Ni Fer Taboy

Dalawang babaeng estudyante ang hinoldap at ginahasa ng apat na lalaki, kabilang ang dalawang binatilyo, sa Tagum City, Davao del Norte, inihayag ng pulisya kahapon.

Sinabi sa report ng Tagum City Police Office (TCPO) na walang pera na nakuha sina Aron Cabling, 29; Emerson Tormis, 25; at dalawang menor de edad mula sa mga biktima kaya ginahasa na lang ang mga ito.

Batay sa paunang imbestigasyon, galing ang dalawang estudyante sa Tagum City Hall makaraang pasyalan ang higanteng Holiday Tree at pauwi na nang harangin ng mga suspek, dinala sa kakahuyan malapit sa city hall compound, at doon umano halinhinang ginahasa.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Kaagad namang nakapagsumbong ang mga biktima sa pulisya, at ngayon ay kapwa sumasailalim na sa counselling.

Sinabi naman ni Senior Insp. Anjanette Tirador, tagapagsalita ng TCPO, na pangunahing layunin ng mga suspek ang holdapin ang dalawang estudyante, pero dahil walang nakuhang pera ay hinalay na lang ang mga ito.