Ni Beth Camia
Sa pagpapatupad ng ‘Oplan Biyaheng Ayos: Krismas 2017’, naka-heightened alert ang buong puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) simula sa Disyembre 18 hanggang sa Enero 8, 2018.
Layunin nitong tiyakin ang kahandaan ng PCG sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holiday season.
Kaugnay nito, naglabas ng direktiba si PCG Officer-In-Charge Commodore Joel Garcia sa lahat ng coast guard unit na panatilihin ang mataas na antas ng kahandaan at pagiging alerto sa mga pier, beach, at sa coastal at island resorts sa bansa.
Ipinag-utos din ni Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade na higpitan ang pag-iinspeksyion sa mga bagahe at sa mismong mga pasahero.
Pinapayuhan din ng PCG ang lahat ng pasahero na dumating sa pier tatlong oras bago ang kanilang biyahe.
Bilang bahagi rin ng Oplan Biyaheng Ayos, magtatayo ang PCG ng mga passenger assistance center booths sa mga pier.