Ni Marivic Awitan

BAGAMAT nakuha ng AMA Online Education ang top pick sa nakaraang 2017 PBA D-League Draft noong Martes, itinuturing na panalo naman sa mga nakuha nilang draft picks ang koponan ng Marinerong Pilipino.

Ito’y matapos nilang masungkit sa pool ang mga manlalarong gaya nina University of the East top gun Alvin Pasaol, dating Letran Knight Chester Saldua,, Abu Tratter ng De La Salle Green Archers, at Vince Tolentino ng bagong UAAP champion Ateneo Blue Eagles.

“Ang kinonsider ko is mostly makakalaban ko are collegiate teams eh, so we needed young legs who would be able to keep up with our opponents na young legs din,” pahayag ni head coach Koy Banal.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Gayunman, ayon kay Banal ay hindi nila inaasahang agad na makakagawa ng matinding impact para sa Skippers ang nabanggit na mga collegiate talents dahil kailangan pa nilang patunayan ang kanilang kakayahan bilang mga rookies.

“Diyan maraming nagkakamali eh. Akala nila maganda yung mga picks (okay na),” sambit ni Banal, umaasang makakapag gel ang kanilang mga picks sa mga beterano ng teams na sina Achie Iñigo, Renzo Subido, at Mark Isip.

“So tinitignan namin kung sino magja-jive. All of them are good picks and can contribute anytime in any given game dito sa team namin. Kilala naman namin sila. Siyempre meron kaming existing na, and we’re hoping na magkaroon ng magandang chemistry,” aniya.

Tumapos na pang -apat ang Marinero sa una nilang pagsali noong 2017 Foundation Cup na hangad nilang mapantayan kung hindi man mahigitan ngayong darating na season.

“That’s the plan. That’s the goal actually,” ayon pa kay Banal.

“Natutunan namin na after our campaign last conference, more or less we know how to [play consistent] from day one up to the end. Kasi we started so slow eh.”