Ni Nitz Miralles
MAGANDANG birthday gift kay Mike Tan na magsi-celebrate ng 30th birthday sa December 31, ang lead role sa bagong daytime drama ng GMA-7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Lalo na at in-offer ang show ilang linggo pa lang nang patayin ang karakter niya sa Ika-6 Na Utos.
Akala ni Mike, next year pa siya mabibigyan ng bagong show ng GMA-7, kaya laking tuwa niya nang malamang may bago siyang show bago magtapos ang 2017.
Nagsimula na silang mag-taping at sa January 2018, mapapanood na ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.
“Hashtag #blessed ako dahil nagkaroon ako ng new show, akala ko kasi, next year na uli ako magkakaroon ng show.
Malaki ang utang na loob ko sa Ika-6 Na Utos dahil doon siguro nakita ng network ang talent ko at dahil din doon, nagbago ang perspective ko. Kaya ko pala at hindi ko at hindi ko bibiguin ang mga nagtitiwala sa akin,” pangako ni Mike.
Husband ni Yasmien Kurdi na HIV positive patient ang role ni Mike sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka at ipapakita niya ang hardship ng pagkakaroon ng asawang HIV+ patient, ‘tapos rape victim pa.
“Very sensitive ang story ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka at ipapa-realize sa viewers ang pagkakaiba ng HIV sa AIDS.
Ituturo rin ang dos and don’t para makaiwas magkaroon ng HIV. Ang daming ituturo at matututunan ang viewers sa show, dapat panoorin at subaybayan,” pagtatapos ni Mike.