Ni Leslie Ann G. Aquino

Sinabi ng isang obispong Katoliko na dapat na managot ang sinumang opisyal na hinihinalang sangkot sa katiwalian sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga ito.

“If it is the fault of the officials why not file cases against them?” sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. “Make them answerable rather than fire them without due process.”

Ito ang inihayag ni Pabillo, pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Commission on the Laity, isang araw makaraang ihayag ng Malacañang na sisibakin ni Pangulong Duterte ang limang komisyuner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa harap ng mga alegasyon ng kurapsiyon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nilinaw ng Palasyo nitong Martes na hindi bubuwagin ng Pangulo ang PCUP, kundi sisibakin ang limang komisyuner nito:

sina Terry Ridon, Dr. Melissa Aradanas, Dr. Joan Lagunda, Manuel Serra, at Noe Indonto.

“Why not file cases?” ani Pabillo. “The officials should be prosecuted if they really did wrong.”