Ni LITO T. MAÑAGO

GRADED A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Deadma Walking nina Edgar Allan (EA) Guzman at Joross Gamboa na mula sa T-Rex Entertainment Productions ni Rex Tiri.

JOROSS AT EDGAR ALLAN copy copy

Mabibigat man ang mga kalaban sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), tulad nina Vice Ganda (The Revenger Squad) at Coco Martin (Ang Panday), confident pa rin ang grupo nina EA at Joross na magugustuhan ng audience ang kanilang pelikula.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Ako naman ay naniniwala na tayong mga Pinoy, every Christmas, mahilig tayong manood ng sine. Ang mga official entry ng MMFF, lagi nilang pinapanood. Naniniwala naman ako na lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF ay panonoorin at tatangkilikin ng mga tao,” kuwento ni EA.

Hindi niya ikinakaila na bago pa man siya naging grand winner ng Mr. Pogi ng Eat Bulaga, magkakilala na silang dalawa ng co-star niya sa Deadma Walking at naging back-up dancer siya nito.

“Happy ako para sa sarili ko, para kay Joross, sa pagkakaibigan namin. Isa pang nata-touch ako kasi galing ako kay Joross. Back-up dancer lang niya ako dati. Hindi ko ini-expect na magiging bida kami sa isang pelikula na makakapasok pa sa MMFF. Para sa akin, napakaimportante ng moment na ito. Thankful kami ni Joross,” salaysay ng actor ng My Korean Jagiya with Heart Evangelista at Alexander Lee.

Ano ang kaibahan nito sa ibang gay roles na ginawa na niya?

“Ito all-out na. Hindi naman komo sinabing all-out may love scene. Hindi po ganu’n,” paglilinaw ng alaga ni Katotong Noel Ferrer. “All-out na ‘binigay ko nang lahat. Magpapatawa ako, magpapaka-emotional ako. Aaliwin ko ang mga tao.

Para sa akin, dito ko ‘binigay lahat. All-out na. Physical, baklang-bakla ako talaga.”

Ang Deadma Walking ay directorial debut ni Julius Alfonso, mula sa script ng Palanca winner na si Eric Cabahug.