Ni Aris Ilagan

JAMPACKED ang pakikipagdiyalogo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kinatawan ng app-based motorcycle taxi company Angkas at mahigit 1,400 habal-habal rider na ginanap sa punong-tanggapan ng LTFRB sa Quezon City, nitong Martes.

Naging mainit subalit makabuluhan ang pagtalakay ng magkabilang panig sa isyu sa pagbibigay ng pahintulot sa operasyon ng mga motorcycle-for-hire sa bansa na tinatayang aabot sa daan libo ang bilang.

Ang Angkas pa lamang ay tinatayang may 15,000 rider-member na bumibiyahe sa Metro Manila. Silang lahat ay nanganganib na magdiwang ng Pasko nang walang maihaing Noche Buena sa kanilang hapag-kainan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Upang maiwasan ang kalunus-lunos na eksena na gutom ang aabutin ng ating mga kababayang rider ng Angkas, nagmagandang loob ang LTFRB na mag-organisa ng job fair upang sila’y magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan.

Hindi lamang mga dating taga-Angkas ang naimbitahan na magbakasakali sa job fair kahapon, kundi maging ang mga sumasailalim sa Transportation Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng Grab at Uber na bagamat tuloy ang operasyon ay hindi pa rin nakatitiyak na tapos na ang kanilang kalbaryo.

Ito’y sa dahilan ng mga TNVS at habal-habal ay wala pa ring naipapasang batas na sasailalim sa kanilang operasyon.

Dahil dito, pareho itong itinuturing ng LTFRB na ilegal hanggat walang naipapasa ang Kongreso hinggil sa mga ito.

Apatnapu’t pitong kumpanya ang nakibahagi sa job fair at hanggang sa isinusulat ko ang kolum na ito, wala pa ring datos na makuha kung ilang habal-habal rider at TNVS driver ang dumagsa sa job fair.

Sa anunsiyo na ipinaskil ng LTFRB sa social media, inabisuhan ang mga ito ng ahensiya na magbitbit ng kanilang resume sa kanilang pagtungo sa job fair.

FYI: Isa ka bang Angkas o Habal driver? O baka naman may kakilala ka? Papuntahin mo na siya sa LTFRB Central Office ngayong araw para sa jobs fair na tatagal hanggang mamayang 5:00 ng hapon.

“Magdala ng resume at baka bago matapos ang araw na ito ay may trabaho ka na. Kita-kits, mga lodi!” saad sa LTFRB post.

Kung ikaw ang Angkas rider, nakakaengganyo ba o nakakaasar ang dating nito?

Papatulan mo ba o hindi?

Matapos mo ipangutang ang motorsiklo mong dapat ikabubuhay ng iyong pamilya, biglang isinara ang kumpanya matapos matauhan ang gobyerno na wala palang batas para rito.

Ang galing ano?

Ngayon, ano’ng maaari mo pagkakitaan? Waiter? Bar tender? Karpintero? Driver?

Ika nga ni Boy Commute: Tiwala lang sa sarili, amigo!