Ni Fer Taboy

Patay sa pananambang ang isang barangay treasurer at isang tanod habang sugatan naman ang isa pang tanod at nawawala ang isa pa makaraan silang pagbabarilin sa Barangay Annanuman sa San Pablo, Isabela, kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ng San Pablo Municipal Police, nakilala ang mga nasawi na sina Rey Mabborang, treasurer; at Bonifacio Lumabi, 48, tanod, kapwa ng Bgy. Dalena, San Pablo.

Sugatan naman si Kimberly Antonio habang isa pa ang nawawala.

Probinsya

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, sakay sa van at binabagtas ng mga biktima ang nasabing lugar nang bigla silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek, na inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan.