Ni Annie Abad

TULOY na tuloy na ang pagsasanib puwersa ng Philippine Sports Commission (PSC) at ni Senator Manny Pacquiao sa pagsisimula ng PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup ngayong Disyembre 16-17 2017 sa General Santos City.

ramirez copy

Ang naturang partnership ay naglalayung makahanap ng mga potensyal na boxers sa buong bansa na maaring mahubog bilang susunod na superstar athlete, gaya ni Pacquiao.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na ang nasabing programa ay nagsisilbing pagbabalik ng dating “Go for Gold” ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) kung saan mga potensyal na kabataang boksingero ang kanilang target na palakasin.

“Since naging Chairman ulit ako, I went to the Senate at doon nga nagkausap kami ni Senator Pacquiao and we seek his attention para sa boxing. Basically binabalik lang natin ang dating programa na Go for Gold, so this PSC, Senator Pacaquaio at kasama din ang ABAP,” ani Ramirez.

Ikinatuwa naman ni Pacquiao ang event na bahagi ng grassroots program ng PSC, kung saan nagbalik tanaw siya noong siya ay nagsisimula pa lamang bilang boksingero at nagsasanay upang sana ay mapabilang sa Philippine team.

“Way back 1994-1995 andito ako sa Rizal dun ako natutulog sa boxing, nag-try ako mag apply na maging member ng Philippine team, pero kasi sobrang dami ng boskingero noon. So this time, pagkakataon ito para makahanap tayo ng mga talents buhat sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas,” sambit ni Pacquiao.

Ang nasabing kompetisyon ay iikot sa mga lalawigan ng Luzon, Visayas at Mindanao kung saan linggo linggo ay may magwawagi, buhat ngayong Disyembre hanggang Mayo ng 2018. Magkakaroon ng Preliminaries, Quarter finals, semi finals at final round upang tukuyin ang kampeon na sasabak naman sa national championship.

Siniguro ni Pacquaio na kahit magpalit man ng administrasyon ang PSC o kung sino man ang sumunod na chairman ay tuloy pa rin ang nasabing PSC-Pacquiao Boxing Cup.

“Kahit sino ang maging chairman, o kung pwede nga lang iextend ko yung term ni Chairman Ramirez gagawin ko eh!, “biro ni Pacman.