Ni PNA

HINDI nakaabot sa Palawan ang programa ng Department of Health sa pagbabakuna kontra dengue, gamit ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ito ang kinumpirma sa isang panayam sa telepono kay Dr. Peter Hew Curameng, hepe ng panglalawigang tanggapan ng Department of Health sa Palawan.

“We have nothing to worry about the adverse effects of Dengvaxia because the dengue vaccination program did not reach us. Palawan was not one of the pilot areas simply because its cases were low compared to other areas in the country,” lahad ni Curameng.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kahit na ang bilang ng kaso ng dengue sa Palawan ay umabot sa 1,401 mula Enero hanggang Nobyembre 1, 2015—ang pinakamarami sa listahan ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan) Region, mababa pa rin ito kumpara sa ibang lalawigan sa ibang mga rehiyon.

“High awareness about the dengue virus has even lowered the cases in the following years. So, we’re not a priority for the use of Dengvaxia,” dagdag pa niya.

Inamin ng Dengvaxia manufacturer, ang Sanofi Pasteur, na maaaring magkaroon ng malalang uri ng dengue ang mga nabakunahan ng Dengvaxia na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

“I may not have the figures, but this year, if I am right, dengue cases are down. The requests made to me to help were low. This year, only Busuanga has slightly high dengue cases,” saad ni Curameng.