Ni JIMI ESCALA

IKINUWENTO ni Pia Wurtzbach sa presscon ng Gandarrrapido The Revenger Squad na may isang eksena sa pelikula na nag-alangan siyang gawin.

pIA copy copy

Ito ang eksenang sasampalin niya ang bida nila na si Vice Ganda. Nag-alangan siyang gawin ang nasabing eksena dahil nahihiya siya kay Vice na mahal na mahal daw niya.

EXCLUSIVE: National Artist Ricky Lee, idinetalye theatrical adaptation ng ‘Para Kay B’

Kaya kinausap niya si Direk Joyce Bernal kung puwedeng dayain na lang nila ang eksena.

Pero tumutol si Direk Joyce na mas gusto siyempreng makatotohanan ang mga eksena nila. Agad namang pinayuhan ni Vice si Pia kaya nakumbinsi na siyang gawin ang sampalan scene.

Baguhan sa paggawa ng pelikula at ramdam daw ng lahat ang kaba ni Pia kaya inaalalayan ng mga kasama sa cast ang beauty queen. Tinotoo ni Pia ang pananampal kay Vice pero sa palagay niya ay nasaktan si Vice, huh!

Samantala, isa sa hinuhulaang kikita among sa this year’s MMFF entries ay ang pelikula nila nina Vice, Daniel Padilla at marami pang iba. 

Pangarap ni Vice ang higit pang malaking kita ng pelikula nila ngayon.

“Pinangunahan ko na isang bilyon ang kini-claim ko lang naman. Kaibigan ko for the past years ang Universe. Naging malapit ako sa Miss Universe na si Pia Wurtzbach kaya ang feeling ko ang lakas-lakas ko lalo,” banggit niya.