Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Sinuspinde ng New People’s Army (NPA), armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP), ang pagpapalaya nito sa dalawang bihag na pulis dahil sa pagpapatuloy ng malawakang opensiba ng militar at pulisya sa hilaga-silangang Mindanao, partikular sa Surigao del Norte.

Sa pahayag na natanggap ng Balita nitong Lunes ng gabi, sinabi ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)-Northeastern Mindanao Region na hindi itinuloy ng NPA ang nakatakdang pagpapalaya sa dalawang pulis nitong Disyembre 5 makaraang tanggihan ng pulisya at militar ang hiling ng mga rebelde na troop pullout at tigil-putukan sa anim na bayan sa Surigao del Norte.

“Nakaung-ong na unta ang pag-reles kaniadtong Disyembre 5, 2017, apan wala madayon tungod kay wala motuman ang AFP ug gipadayon ang ilang mga operasyong militar (Ang pagpapalaya sa mga bihag ay itinakda ng Disyembre 5, 2017 pero hindi na matutuloy dahil hindi sumunod ang AFP sa aming kondisyon, at patuloy pa rin ang kanilang military operation),” saad sa pahayag ni Ka Maria Malaya, tagapagsalita ng NDF-North Eastern Mindanao Region.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Noon nakaraang buwan pa nilagdaan ng pamunuan ng NDFP ang order sa agarang pagpapalaya kina PO2 John Doverte at PO2 Alfredo Degamon, kapwa ng Placer Municipal Police sa Surigao del Norte“without other pre-conditions except for troop pullout and implementation of ceasefire.”

Nobyembre 13 ngayong taon nang dukutin ng mga rebelde ang dalawang pulis habang naka-duty sa gilid ng national highway sa Barangay Bad-as, Placer.