Ni Marivic Awitan

PORMAL na inilunsad nitong Lunes ng hapon ang bagong logo na gagamitin ng koponan ng NLEX sa darating na PBA season.

Ayon kay NLEX coach Yeng Guiao , ang pagkakaroon ng bagong logo papasok sa bagong season ay karagdagang pressure din para sa Road Warriors..

nlex copy

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“We feel pressured because if we fail, all of you might mug us,” ang may halong biro na wika ni Guiao sa naganap na launching sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) Compound sa Balintawak.

Hudyat ang pagpapalit ng kanilang logo para sa isang maningning na landas na hatid ay bagong pag -asa para sa darating na 43rd season ng PBA.

“We wanted an embodiment of our business, our group, and all of us as one MPTC (Metro Pacific Tollways Corporation) family,” pahayag ni NLEX alternate governor Rodrigo Franco.

Nagpahayag din ng kanyang kagalakan at pasasalamat si Guiao sa suportang ipinakikita sa kanila ng management sa nakatakda nilang pagsabak sa darating na PBA season taglay ang roster na nadagdagan ng isa sa mga dating pinakamahusay na amateur cager ng bansa na si Kiefer Ravena.

Napiling second overall noong nakaraang PBA Draft, inaasahang agad na makakatulong sa koponan si Ravena.

“It’s really a privilege, an honor coaching NLEX. We’ve been together for a year and the path we took wasn’t an easy one. We had to languish at the bottom of the standings for two conferences. It was difficult, but slowly, we’re seeing the team improve, develop its character, and build a new culture,” sambit ni Guiao.

Nangako rin si Guiao na sisikapin nilang masuklian ang naturang suporta sa pamamagitan ng pagsisikap na makapagpakita ng magandang performance ngayong darating na season.