Ni ADOR SALUTA

LIMANG taon nang may entry sa Metro Manila Film Festival si Vice Ganda na kadalasang nangunguna sa box office at taun-taong bini-break ang sariling records.

VICE GANDA_please crop copy

Sa presscon ng The Revenger Squad na ginanap sa Enchanted Kingdom last Saturday, naitanong sa It’s Showtime host kung napi-pressure pa rin ba siya tuwing nalalapit na ang MMFF.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Ang yabang ko naman kung sabihin kong walang pressure,” malumanay na sagot ni Vice Ganda, “pero tapos na ‘ko do’n sa baliw na baliw na pag-aantay.

“Dati kasi baliw levels: nanginginig, nai-stress, hindi na ‘ko makausap, mainit ulo ko, tanong ako nang tanong kung magkano na. ‘Tapos na ‘ko sa ganu’n. Ang pressure sa akin ngayon laging kung maganda na ‘yung movie.

“Kasi nga ang ganda na ng nasimulan ko, eh. Nakapagmarka na ‘ko ng mga pelikulang nakakatawa. Ayokong magkaroon ng butas. Ayokong masabi ng audience ko na, ‘Ay, hindi ka nakakatawa.’ Kasi nga ‘yun ang pinanghahawakan nila, every year nagiging successful ang project ko dahil ang experience nila no’ng nakaraang taon... kumbaga, ‘panonoorin ko ito kasi natawa ako last year.’

“Kaya nandu’n ang pressure, kailangan magpasiguro kami na nakakatawa ang pelikula para panoorin ulit nila ‘yung mga susunod pang mga pelikula.”

Pressured ba siya na dapat malampasan ang box-office earnings ng kanyang previous MMFF entries?

“’Yung management ang may pressure,” sabay tawang sagot. “Siyempre masaya kung malampasan. Gusto ko rin ‘yun kaya nagki-claim ako, sinasabi ko, P1 billion, P1 billion! Sobrang ambisyosa ko. Pero deadma ako. Kini-claim ko lang naman. Powerful ang words. Naririnig ako ng universe, lalo na’t katabi ko pa ‘yung Miss Universe.”

Ang tinutukoy niya ay si Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach na kasama niya sa kanyang MMFF 2017 entry.

“Kailangan i-shout sa universe ‘yun, ‘yung mga wish list mo. Basta naririnig niya at ibibigay niya sa iyo. Kaya mas kampante ako. Kaibigan ko po for the last three years ang universe kaya naging malapit po sa akin ang Miss Universe.

‘Yung pressure tatapatan ko lang ‘yan ng konting yabang. P1 billion, P1 billion, P1 billion!”

Magkano sa tingin niya ang kikitain ng The Revenger Squad?

“P1 billion!” napasigaw na sagot ni Vice. “’Pag nakuha, bongga! ‘Pag hindi, for sure ‘yun pa rin ang bigay sa amin ng Diyos kasi pinagtrabahuhan ng maraming tao ito. Kaya bini-bless kasi pinagtrabahuhan ng marami. Ginawa namin ng may magandang intensiyon, hindi lang pera-pera,” pagtatapos ni Vice.