Ni Gilbert Espeña

HANDA na si dating WBC Eurasia Pacific Boxing Council minimumweight champion Toto Landero ng Pilipinas laban sa walang talong si WBA mini-flyweight titlist Thammanoon Niyomtrong sa Biyernes (Disyembre 15) sa Bangkok, Thailand.

Ito ang ikaapat na depensa ni Niyomtrong matapos talunin sina Shin Ono (UD 12) at Go Odaira (KO 5) ng Japan gayon din si dating IBO light flyweight champion Rey Loreto (UD 12) ng Pilipinas.

Kapansin-pansin sa rekord ni Niyomtrong na tulad din siya ng ibang kampeong pandaigdig mula sa Thailand na “hometown world champion” dahil lahat ng laban niya ay ginanap sa nasabing bansa.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Dahil dito, dapat patulugin ng No. 14 ranked na si Landero si Niyomtrong para maiuwi ang world title dahil mahirap manalo sa puntos sa Thailand tulad din sa mga bansang South Africa, Russia at Australia.

May rekord si Landero na 10-1-2 na may dalawang panalo sa knockouts kumpara kay Niyomtrong na may perpektong kartada na 16 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts.