Ni Reggee Bonoan

MUKHANG sinadyang pagsuotin ng two-piece si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa Gandarrapiddo The Revenger Squad na mapapanood na sa Disyembre 25 para mahikayat ang male audience na manood ng pelikula.

Pia copy

Obviously, pang-millennial audience sina Loisa Andalio at Daniel Padilla, samantalang para naman sa mga batang makukulit sina JJ Quilantang o mas kilala bilang batang Tristan ng La Luna Sangre at si Carlo Mendoza na pinasikat ni Vice Ganda sa programang Gandang Gabi Vice bilang si Gigil Kid.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

At siyempre, ang idolo ng lahat lalo na ng LGBT community na si Vice Ganda na simula nu’ng gumawa ng pelikula ay walang ginawa kundi lampasan ang sariling records sa box office.

Kaya umaasa ang TV host na ngayong 2017 Metro Manila Film Festival ay umabot sa P1 bilyon ang kita ng Gandarrapiddo.

Tinanong si Pia kung hindi ba siya naalangang magsuot ng two-piece lalo na’t may action at flying scenes siya sa pelikula at baka may mangyaring wardrobe malfunction.

“Wala naman po, binabantayan naman namin nang maigi ‘yung costumes ko at lahat naman po ng galaw ko is safe,” sagot ng beauty queen.

“Actually,” hirit ni Vice, “’yung mga lalaki na cameramen namin ang nakabantay talaga.”

“Nakaabang na walang mangyaring masama,” maagap na salo ni Pia, “saka secure po ‘yung costume ko, tuwing magti-take parati ko pong tsine-check na maayos po lahat kasi ayaw naman naming magmukhang nagtwo-piece ka nga pero kitang-kita naman na may shorts ganyan, two-piece pero hindi bastusin para puwede sa bata, sexy pero pleasing for everyone and no-offensive kaya binantayan namin ang costume.

“Actually, nakailang revisions po ‘yung costume ko kasi dati may kasama pang shoulder patch na malaki saka parang pa-turtle neck. Ang nangyari naman hindi ako makagalaw at ‘yung kamay ko (maiksi) kaya sabi ko, eh, paano ako gaganu’n (aksiyon). ‘Buti na lang nagustuhan din ni Vice na tanggalin na lang, eh, mas komportable rin naman ako ru’n.”

Niliwanag din ni Pia na walang naaninag sa mga gilid-gilid ng upper bumper niya sa fight scenes.

“Kung nakapag-swimsuit naman po ako sa milyun-milyon na tao po ng Miss Universe at konti naman doon ‘yung tela, eh, kayang-kaya po at saka Rated G (general patronage) po kami kaya sure na puwede po sa lahat,” say pa ng dalaga.

Super enjoy si Pia sa mga eksenang lumilipad siya lalo na sa fight scenes na paglalarawan niya, “Big, big fight scenes ko po sa finale, ang ganda ng location namin. Excited po ako ru’n at nag-training ako sa harness para ru’n.

Kaya ko nga mag-back flip nang naka-harness.”

Proud si Pia sa kanyang first full length movie kaya, “Invite ko po ‘yung mga natitirang family ko rito kasi lahat halos nasa abroad talaga, ‘tapos makasama ‘yung mga kabigan ko. Marami akong invites, mga PIAnatics, saka sana po lahat ng nasa pageant world dahil tapos na rin naman ang pageant season ngayon dahil next year pa po ‘yung mga susunod, manood muna kayo ng The Revenger Squad ngayong Pasko,” paanyaya ng dalaga.