Ni Leandro Alborote
PURA, Tarlac – Kalaboso ang isang utility worker ng gasolinahan sa TPLEX sa Barangay Poroc, Pura, Tarlac makaraang mamboso umano sa isang babae habang nasa comfort room, nitong Sabado ng gabi.
Arestado si Julius Sobpreña, 21, may asawa, at manggagawa sa nasabing gasolinahan, na nahaharap ngayon sa kasong unjust vexation.
Sa imbestigasyon, dakong 9:50 ng gabi nang bosohan umano ni Sobpreña ang 26-anyos na babaeng residente ng Mabalacat City, Pampanga.
Ayon sa report, nagtungo umano ang biktima sa banyo upang umihi, nang makitang nakasilip ang suspek mula sa kisame.
Inireport ng biktima sa opisina ng gasolinahan ang insidente hanggang magresponde ang pulisya at masakote si Sobpreña.