Ni Fer Taboy

Sinampahan kahapon ng kasong parricide ang isang lalaki sa umano’y pagpatay sa sarili niyang asawa sa Barangay Macasandig, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Sa imbestigasyon ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) selos ang itinuturong dahilan sa pagpatay umano ni Salvador Bustamante, 44, sa asawang si Marissa Bustamante, 38, kapwa nakatira sa Barangay Poblacion, Quezon, Bukidnon.

Sinabi ng pulisya na muntik nang humiwalay sa leeg ang ulo ng ginang matapos umanong gilitan ng mister nito.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Inihayag ng pulisya na bago ang pagpatay, nag-away ang mag-asawa matapos na iginiit ng suspek na may ibang lalaking karelasyon ang ginang.

Nang itanggi ito ng biktima ay nagalit ang suspek, hinawakan sa leeg ang misis at ginilitan.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang patalim na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Naaresto ang suspek at nakapiit na ngayon sa Lumbia City Jail.