Ni Gilbert Espeña

NAGPAKITANG gilas si Pinoy woodpusher Conrado Diaz, isang certified United States Chess Federation (USCF) national master, matapos talunin si International Master Elliot Winslow sa pagpapatuloy ng 2017 William Lombardy Memorial Tuesday Night Marathon sa Mechanics Institute Chess Club sa San Francisco, California.

Sa torneo na ginaganap tuwing araw ng Martes, nakasalo ni Diaz sa liderato Paul Whitehead na nagwagi naman kay Josiah Stearman

Si Diaz na dating pambatong manlalaro ng Adamson University ay nakalikom ng 6.0 na puntos, iskor na naitala rin ni Whitehead.

May nalalabing dalawang laro na lamang sina Diaz at Whitehead para mabatid kung sino ang magkakampeon sa event na nagsimula noong Oktubre 24 at matatapos sa Disyembre 16.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!