Ni Rommel P. Tabbad

Tuloy na ang biyahe ni dating Senador Jinggoy Estrada sa Hong Kong sa Disyembre 26-31, kasama ang kanyang pamilya, para magbakasyon.

Ito ay makaraang payagan ng Sandiganbayan 5th Division ang mosyon ni Estrada para sa magbakasyon abroad.

Kasama ni Estrada sa bakasyon ang asawang si Precy at mga anak nilang sina Janella, Jolo at Julian.

“Very, very thankful at grateful to the members of the court for granting my…parang Christmas vacation with my family. Malaking bagay ‘yun sa aking pamilya, lalung-lalo na sa aking mga anak, na makasama ako sa ibang bansa,” sabi pa ni Estrada.

11 lugar sa bansa, nasa 44°C 'danger level' heat index ngayong Mayo 8

Pansamantalang nakalalaya si Estrada makaraang magpiyansa sa kinakaharap na plunder at graft kaugnay ng pagkakasangkot sa “pork barrel” fund scam.