MULING nakuha ng AMA Online Education ang karangalan para sa No.1 pick sa gaganaping 2017 PBA D-League Rookie Draft ngayon sa PBA Cafe sa Metrowalk, Pasig.

Sinasandigan na ng 6-foot-6 forward na si Andre Paras, nakuha ng Mark Herrera-mentored Titans, ang karapatan na pumila sa top pick para patatagin ang school-based core ng koponan sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup.

May kabuuang 13 koponan ang pipili sa 201 players na nagpatala sa naturang drafting.

Noong 2016, nakuha rin ng AMA ang top pick at kinuha nila ang noo’y La Salle superstar na si Jeron Teng.

Nakatuon din ang pansin kina Alvin Pasaol ng University of the East at Arvin Tolentino ng Far Eastern University.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

Kapwa target ng dalawa na mas paigtingin ang level ng kanilang ‘competitiveness’ sa ika-walong season ng D-League na nakatakdang magsimula sa Enero 18, 2018.

Ang Wangs Basketball-Letran at Batangas-EAC ang pipili sa No.2 at No.3 pick, ayon sa pagkakasunod.

Kabuuang 11 sa 13 koponan sa sasabak sa liga ang school-based kabilang ang Zark’s Burgers-Lyceum, Gamboa Coffee-St. Clare, JRU, and CEU, debuting teams Akari-Adamson, Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian, Perpetual, and Go for Gold-CSB.

Tanging ang nagbabalik na Marinerong Pilipino at bagitong Mila’s Lechon ang koponan na walang varsity teams.