Ni NORA CALDERON

ANG ganda-ganda ni Yasmien Kurdi nang makausap namin para sa bago niyang afternoon prime drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Pero inamin niyang kinakabahan siya sa bago niyang serye na tinawag na advocaserye.

Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi
Una, papalitan nila ang Haplos nina Sanya Lopez at Rocco Nacino na top-rating afternoon prime serye na puring-puri ng viewers ang mahusay na acting at istorya. Nakatakda silang umere sa first quarter ng 2018.

Advocacy ng bagong serye na maituro sa televiewers ang kaalaman tungkol sa HIV na sinasabing Pilipinas ang isa sa pinakamarami ang nahahawaan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa istorya ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay best friends ang characters nina Yasmien at Martin del Rosario na may gusto pala sa kanya at ni-rape siya. Hindi niya alam na may HIV na pala si Martin at hindi niya alam na nahawaan siya nito, kaya nagpakasal pa siya sa boyfriend na si Mike Tan at nagkaanak sila. Nalaman lamang na may ganito siyang sakit nang minsang kailangang mag-donate siya ng dugo, natuklasan na mayroon siyang virus kaya hindi siya puwedeng maging blood donor.

Para kay Yasmien, ito na ang heaviest role na gagampanan niya. Hindi pa raw nila naiti-tape ang rape scene kaya hindi siya makapag-comment tungkol kay Martin na minsan na niyang nakasama sa Rhodora X nang gumanap ito sa isang special role. Si Mike naman ay ngayon lang niya makakatambal sa TV series pero nagkasama na sila sa isang episode ng Wagas ng GMA News TV.

Kahit kinakabahan, excited si Yasmien na maipalabas ang kanilang afternoon series dahil alam niyang maraming mapupulot na aral ang televiewers.